Ibinahagi ni Kapuso star Dennis Trillo ang cute na cute na mga larawan ng unang chikiting kay Jennylyn Mercado na si Baby Dylan ngayong araw ng Pasko.

Ito ang bungad sa Instagram page ng “Maria Clara at Ibarra” star na agad na kinakyutan at pinanggigilan ng netizens.

View this post on Instagram

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“So Cute! ❤️ Little teeth showing 😍!” komento ng isang netizens.

“Beautiful child😊. God bless u baby!”

“Ang cute cute naman like mother and father!”

“Cutie pie!🥰🥰🥰”

“Super beautiful like her mommy Jen😍❤️”

“So adorable 😍!”

Nitong Abril ipinanganak ni Jen si Baby Dylan kasunod ng dapat sana'y surrogacy na plano na pagdadalang-tao ng Kapuso couple.

Samantala, bida rin sa Instagram ng aktor ang larawan ng kanilang buong pamilya ni Jen.

Kasama sa frame si Alex Jazz, unang anak ni Jen kay Patrick Garcia, at Calix, unang chikiting ni Dennis kay Carlene Aguilar.

Hindi rin nawala syempre ang extended family photo ng pamilya ng Kapuso couple.