Bumagsak na sa 12.4 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City nitong bisperas ng Pasko.

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito na ang pinakamalamig na naitala nila mula nang pumasok ang amihan season sa bansa.

Bukod dito, naitala rin ang12.6°C sa La Trinidad, Benguet nitong Sabado ng madaling araw.

Sa pagtaya pa ng PAGASA, posibleng maramdaman ang 21°C hanggang 22°C sa Metro Manila sa Lunes at Martes.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa rekord ngPAGASA, huling naramdaman ang pinakamalamig napanahon sa Baguio noong Enero 18, 1961 sa naitalang 6.3°C.