HELLO, BABY UNO! 

Nanganak na ang Kapuso actress na si Rita Daniela, ilang araw bago mag-Pasko!

Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram nitong Sabado, Disyembre 24, na noon pang Disyembre 22 niya isinilang ang panganay na anak na si Juan "Uno" Andres. 

Si Uno raw ang kaniyang "greatest Christmas gift."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Hi, my son. You’re the greatest Christmas gift that God has given me. You’re such a blessing to us," ani Rita.

"Your Tatay and I are so joyful to have you. Can’t believe I’m celebrating Christmas this way.. with you. ♥️"

Nagpaabot naman ng pagbati ang showbiz friends ni Rita kagaya nina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Rayver Cruz, Zephanie, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Kylie Padilla atbp.