Nasagip ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Nasugbu sa Batangas ang walong magkakamag-anak matapos lumubog ang sinasakyang bangkang de-motor sa karagatan sa naturang lugar nitong Biyernes ng umaga.

Nakilala ang walo na sina Aillen Corsiga, 32; Marvin Taregon, 31; Arvin Taregon, 12; Aivy Miles Taregon, 9; Arianne Taregon, 7; Jaderick, 16; Allan Jordan, 62, at June Mojica, 50.

Naiulat na nanggaling pa sa Bataan ang bangka ng walo at patungo na sana sila sa Lian, Batangas upang dumalo sa isang Christmas reunion nang hampasin ito ng malalakas na alon dahil sa sama ng panahon dakong 10:00 ng umaga.

Paliwanag naman ni Nasugbu MDRRMO chief Alex Pimentel, kaagad na nasagip ang walong pasahero matapos magpalutang-lutang sa karagatan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang walong nasagip ay inihatid na rin sa kani-kanilang lugar, ayon pa sa MDRRMO.