Usap-usapan ngayon ang pag-akyat sa "My Teacher" float ni Unkabogable Star Vice Ganda upang batiin ang kaibigang si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano, habang isinasagawa ang 2022 Metro Manila Film Festival Parade of Stars nitong Miyerkules, Disyembre 21.

Agad naman siyang sinalubong ng yakap ni Toni at saglit na nagkausap at nagkumustahan.

Muling nagbabalik-MMFF si Vice Ganda matapos ang dalawang taon katambal si Ivana Alawi at sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina, na may pamagat na "Partners in Crime".

Matatandaang dahil sa naganap na halalan ay marami raw taga-ABS-CBN ang sumama ang loob kay Toni dahil sa ginawa nitong hayagang pagsuporta kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naging dahilan umano ito upang magbitiw sa kaniyang tungkulin bilang main host ng "Pinoy Big Brother" si Toni at umalis sa ABS-CBN. Sa ngayon, contract artist na siya ng ALLTV.