Nawindang ang mga netizen sa kumakalat na litrato nina Jane De Leon at Janella Salvador kung saan makikitang magkalapat ang kanilang mga labi habang parehong nakasuot ng kulay-pulang gown, matapos ang ABS-CBN Christmas Special.

Makikita ang litrato ng "Darlentina" na nilalayag ngayon, sa fan-based page na "Kapamilya Celebrities". Hindi pa tukoy kung lehitimong litrato ito o edited lamang ng mga tagahanga, subalit wish ng fans, sana raw ay gumawa ng "Girl Love" o GL series ang dalawang co-stars ng "Mars Ravelo's Darna The TV Seies" pagkatapos ng nabanggit na action-fantasy series.

"Kami na mag-aadjust mga bading. Darlentina for the win," saad sa caption.

'DarLentina', shini-ship; mga netizen, nakaabang sa posibleng kissing scene nina Jane, Janella

Matagal nang nilalayag ng mga tagahanga ang tambalang "Darlentina" o Darna-Valentina. Ginawan pa nga ito ng proposed GL series ng fans batay sa mga eksena nila sa Darna. Wish pa nga ng fans na sana raw ay magka-kissing scenes din ang dalawa.

Narito naman ang mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Tandems na di kelangan ng issue o gawing rivalry…"

"Bagay na bagay sila sa GL series grabe! Parehong maganda!"

"GL SERIES PARA SA KANILA PLEASE IBA CHEMISTRY NILA."

"Paano na si Brian? Sa amin na lang si Joshua hahaha."

Matatandaang nagte-trending ang mga kissing scene ng naturang serye, na inunahan na nina Joshua at Janella kaya binansagan si Joshua na "Higop King".

Ang latest naman ay ang round 2 ng "higupan scene" nina Joshua at Jane nang umamin na si Narda na siya si Darna.