Hindi lamang ang tambalang Joshua Garcia at Jane De Leon o Joshua Garcia at Janella Salvador ang kinakikiligan sa fantasy series na "Mars Ravelo's Darna The TV Series" kundi maging ang "Darlentina" o Darna-Valentina nina Jane De Leon at Janella Salvador.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/">https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/03/amanos-na-kay-janella-jane-nalasap-ang-banayad-na-higop-ni-joshua/">https://balita.net.ph/2022/11/03/amanos-na-kay-janella-jane-nalasap-ang-banayad-na-higop-ni-joshua/

Sa panahon ngayong patok ang temang "Boy's Love" (BL) at "Girl's Love" (GL), talagang marami rin ang nag-iisip na baka posible ring magkaroon ng romantic relationship ang mga karakter nina Jane at Janella sa naturang serye. Kaya naman, nabuo ang tambalang "Darlentina". In fairness daw, ang lakas ng chemistry ng dalawa at puwedeng-puwedeng sumabak sa isang GL series o movie.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Marami tuloy ang gumagawa ng iba't ibang edited video kung saan ginawan ng twist ang ilang eksena sa Darna upang palabasing may pagtitinginan sa isa't isa sina Darna at Regina/Valentina. Nilagyan ito ng pamagat na "I Fell For My Boss" na kunwari daw ay isang romantic-comedy (romcom) movie.

https://twitter.com/leotempus/status/1591062599206318082

“Gagii promise kakilig po yung trailer na 'to…"

“Oyyyyy bat ngumingiti ako HAHAHAHA anlakas ng chemistry pramissss.”

“Haha taena haha bat kinikilig ako sa kanilang dalwa, may chemistry pa sila ni narda at regina kesa ki joswaa😅 sana magkarun sila sa future ng movie na sila dalwa love team.”

"May higupan scenes din kaya sila if ever?"

Kaya naman, nanawagan ang mga tagahanga nila sa ABS-CBN at Star Cinema na sana raw, pagkatapos ng Darna series ay mabigyan ng GL series o movie ang dalawa. Nagawa na kasi ito nina Lovi Poe at Janine Gutierrez sa "Sleep With Me" sa iWantTFC Original Series.