Napa-react na lang si Kapuso star Carla Abellana sa kamakailang Instagram reel ni “Maria Clara at Ibarra” star Barbie Forteza na tumatalakay sa usaping pagmu-move on.

Ganap na ganap nga sa pagda-dub si Barbie sa boses ng American pop star Taylor Swift ukol sa nabanggit na paksa.

“You don’t have to forgive and you don’t have to forget to move on. You can move on without any of those things happening,” anang global star sa pak na pak na pag-arte ni Barbie.

“You [are] just becoming different, and then you move on. If something’s toxic, and it’s only ever really been that. What do you gonna do? Just move on. It’s fine!” dagdag nito.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pagsang-ayon pa ng young actress, “Yes, Queen Taylor. YES.”

Maraming followers ni Barbie ang agad na naka-relate at sumang-ayon din sa pahayag.

Kabilang na rito si Kyline Alcantara na napa-“YAZ” sa kaniyang komento.

Agaw-pansin din ang pagtalak ng nagbabagong imahe na si Carla Abellana.

“Louder, Taylor Swift and Barbie! 👏🏻” sey ni Carla sa kaniyang komento.

Basahin: Vavavoom! Carla Abellana, tinodo pa ang pagpapasexy; kapwa celebs, gulantang! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tila malalim naman na hugot ito ng aktres sa kaniya pa ring naging kontrobersyal na hiwalayan sa dating asawa na si Tom Rodriguez.

Sa isang panayam kamakailan, aminado ang aktres na isa sa kaniyang natutunan sa naranasang low point na may mga tao aniya sa kaniyang buhay na hindi niya kayang baguhin.

Basahin: Carla Abellana sa naranasang low point: May mga bagay at taong ‘di natin kayang baguhin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“One day at a time. Wala tayong magagawa, that’s part of life. Hindi laging masaya. Hindi laging tumatawa o nakangiti. Whether you are alone in life or with somebody, a complete family, may times na things happen na ganon talaga. Wala tayong magagawa kundi tanggapin yun. There are certain things and people we cannot change. Siguro yung how you react to it na lang,” ani Carla.