Good vibes ang hatid sa kapwa celebrities at maraming netizens ang online flex ng digital creator at Pinoy Big Brother winner na si Slater Young ngayong Miyerkules.

Sa isang Instagram video, todo-emote pa kasi at aakalaing may problemang malala ang sikat na online personality.

Lugmok sa unang tingin hanggang sa mababasa ang nakakaaliw na caption nito.

“Yung tipong hirap ka na maghanap ng best Christmas gift para sa asawa mo kasi meron na siyang ikaw,” ani Slater na may hiwalay na caption pang “help” sa naturang video.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Agad na kinainisan in a good way ang pag-flex ni Slater sa sarili nito bilang best husband nga sa kilalang vlogger na si Kryz Uy.

“Kaasar!!” natatawang komento ng host na si Iya Villania.

“Samookaaaaa!” parehong napatawang saad na lang ni Kapamilya actress Maris Racal kay Slater.

“HAHAHAHAHA GAGI BRO,” dagdag na tawang-tawang komento ni Eruption.

Maging si PBB host na si Bianca Manalo ay naaliw din sa low-key flex ni Slater.

"Tama naman! Hahahahaha," pagsang-ayon ng netizens sa good vibes na IG post.

"Hahhahahaha lakas! Baka Slater yarn!"

Basahin: Kryz Uy, may mensahe para sa kaarawan ng asawang si Slater Young – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngayong taon, lalo pang nakilala ang online couple dahil na rin sa kanilang aktibong online contents sa iba’t ibang social media platforms kabilang na ang YouTube, Facebook, TikTok, Spotify, bukod sa iba pa.

Maliban dito, pinepeg din ng maraming couples, at netizens ang anila'y "relationship goals" na Cebu-based celebrity couple.

Si Kryz at Slater ay  ikinasal noong Pebrero 16, 2019. Kasalukuyang biniyayaan ang dalawa ng dalawang cute na cute na chikiting na sina Scottie at Seven Kai.