Limang araw bago ang Pasko, nagbahagi ng kaniyang payo para lumigaya ang kontrobersyal na online personality na si Xian Gaza ngayong Martes.

“Kung gusto mong lumigaya this Christmas season, ang sikreto eh huwag na huwag mong ikukumpara yung Pasko mo sa Pasko ng iba,” aniya sa mahigit 1.6 million followers sa Facebook.

“Walang pera? It's okay. Malayo sa pamilya? It's okay. Walang travel? It's okay. Mars, your Christmas is special,” pagpapaalala ng multimillionaire na negosyante.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Basahin: Xian Gaza, ipinagyabang ang halos kalahating bilyong net worth – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dagdag na payo na rin ni Gaza ang “makuntento” sa mga bagay na mayroon para madama aniya ang kaligayahan at diwa ng kapaskuhan.

“Makuntento sa kung ano'ng mayro'n ka upang madama mo ang tunay na kaligayahan but stay hungry to achieve bigger things in life upang magkaroon ka ng dahilan na bumangon sa araw-araw. Kapag kasi tuluyan ka ng nakuntento sa buhay eh mawawalan ng saysay yung daily existence mo. Kakainin ka lamang ng depresyon,” anang online personality.

Apat na oras lang matapos isapubliko, umani agad ang naturang post sa mahigit 35,000 reactions.