Ilang serye ng larawan kasama ang asawang si Dave Lamar na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan ang ibinahagi ng singer na si Morissette Amon ngayong Martes.

“Truly, madly, deeply ❤️ Never not proud to call you mine. May the year ahead be the best one yet and beyond all you've ever dreamed. Happy Birthday to my day 1, my constant, my forever & always! I love you to the moon and stars and back @davejlamar!” mababasa sa Instagram post ng “Asia’s Phoenix.”

“Love you, mi love! Feels great to be twenty-eight! This is not sarcasm!” tugon naman na komento ni Dave.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Basahin: Dave Lamar, iflinex ang misis na si Morissette Amon sa ika-12 taon nito sa showbiz – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang Enero ngayong taon nang ibinunyag ng celebrity couple ang kanilang kasal matapos ikubli ito sa publiko sa loob ng ilang buwan.

Happy birthday, Dave!