Kayang-kaya pa sumabak kung tutuusin maging sa Miss Universe pageant si Miss International 2016 Kylie Verzosa kasunod ng viral na pagrampa nito kung saan litaw na litaw ang napanatiling hubog pa rin ng kaniyang katawan.

Sa 21-segundong clip na ibinahagi ng pageant page na Missosology, ganap na ganap sa pagrampa ang huling Pinay Miss International titleholder suot ang isang revealing dress.

Sa video, makikita ang pamatay na hubog ng katawan ni Kylie na ikinaloka nga ng maraming netizens.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Kumakain pa ba yan?? 😱😱😱” tila nagtatakang tanong ng isang pageant fan.

“So hot ang gorgeous!”

“Napakanipis!”

“Pang-Victoria Secret!”

“Grabe!”

Pagpansin ng isang netizen, lalo raw nagpapayat si Kylie nang maghiwalay sila ng dating dyowa nito na si Jake Cuenca.

“Lalo syang nangayayat after break up nila ni Jake,” sey ng isang netizen habang hiling niyang hindi na lalo pang magpapayat ang beauty queen.

Anim na taon matapos koronahan ng isa sa Big 4 titles, si Kylie ay nakilala namang isang sexy actress ng Viva ngayon.

Basahin: Unang DIAFA ni Kylie Verzosa, alay niya sa mga OFW sa UAE, Middle East – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kamakailan nga, ang beauty-queen-turned-actress ang itinanghal na kauna-unahang Philippine actress of the year ng Distinctive International Arab Festival Awards (DIAFA) 2022.

Si Kylie ay bumida na sa mga materyal na The Housemaid, Love Lockdown, The Way U Lie, bukod sa iba pa.

Dahil sa taglay pa ring alindog ng beauty queen, ilang pageant fans tuloy ang napatanong at naghikayat sa titleholder na sumabak pa sa Miss Universe pageant.

“She's already a Big 4 Winner. No need. Default na yan kapag Big 4 winner never talaga sumasali sa ibang Big 4 pageant,” pagtukoy ng isang netizen sa mga prestihiyusong titulong Miss Universe, Miss International, Miss World at Miss Earth.

Samantala, kinakiligan ng fans kamakailan ang interaksyon ng aktres kasama ang Kapamilya leading man na si Jake Ejercito.

Basahin: OMG! Panourin: Kylie Verzosa, Jake Ejercito, naispatang ‘super close’ sa isang Christmas party – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid