Matapos ang iringan ng fans sa pagitan ng love team na Kathniel at Donbelle, matatandaang tinawag kamakailan ng isang netizen na “problematic” at “chaotic” ang pamilya ni Karla Estrada, bagay na inalmahan nga ng talent manager na si Ogie Diaz.

Kasama sina Dyosa Pockoh, at Mama Loi, natalakay sa showbiz update ni Ogie sa YouTube ang mapangahas at burado nang tweet ng netizen laban sa kilalang showbiz royalties.

Basahin: Karla Estrada, pumalag sa basher na ikinumpara pamilya niya sa pamilya ni Donny Pangilinan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Sa totoo lang ‘yan, ang layo nun ah. Bakit kailangan magkumpara? Unang-una, magkaribal ba sila? Rival ba sila?” pagsisimulang saad ni Ogie.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nasa rurok ng popularidad ngayon ng love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano dahilan para hindi maiwasan ng fans na makumpara sa tambalan ng sikat na Kathniel o nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Ngayon talaga, ang Donbelle daw ay sumusunod sa yapak ng KathNiel, pero syempre, kakain ka muna ng alikabok para ma-reach mo ‘yung na-reach ng KathNiel,” tila pagsita na ng talent manager sa pagbarda ng netizen.

“Pero [dapat] no comparison, kasi baguhan ang DonBelle na nagpapakita ng promise habang ang KathNiel, establisado na. Pero para personalin ng tweet na ‘yun ‘yung pamilya ni DJ, ‘ay wag naman anak,” pag-awat at payo na ni Ogie.

Sunod na natalakay ng tatlo ang anila’y mga alitan ng mga star sa showbiz na kadalasa’y namumuo lang sa pagitan ng fans.

Pagbibigay halimbawa ni Mama Loi ang bantog na sina Vilma Santos at Nora Aunor, at ang umano’y alitan noon nina Maricel Soriano at Snooky Serna.

Paggatong naman ni Dyosa, ganoon din aniya ang nangyari sa pinagrambol na mga love team noon nina Liza Soberano at Enrique Gil o Lizquen; James Reid at Nadine Lustre o Jadine; at ang Kathniel.

“Pwede naman pong sabay na umangat ‘yung dalawang aktor?” suhestyon na ideya ni Mama Loi sa fans.

“Ba’t ayaw niyo ba ng ganon? Gusto niyo idol niyo lang ‘yung nasa tuktok?” pagsita muli ni Ogie.

Anang manager, sa ngayon dapat tanggapin ng fans ng Donbelle na ang Kathniel ang nasa tuktok ngayon.

Dagdag niya gayunpaman, mararating din ng Donbelle sa ibang paraan at sa ibang panahon ang sarili nitong estado ng kasikatan.

“Tigilan niyo na ‘yang pagkukumpara na ‘yan. Hindi ‘yan maganda sa mental health,” pagtatapos ni Ogie.