Tuwang-tuwa si Ginebra resident import Justin Brownlee nang regaluhan ng customized shoes ng isang die-hard fan.

Sa isang TikTok video na isinapubliko ni Anthony110377, hawak-hawak ni Brownlee ang pulang paris ng sapatoshabang sinisipat ito, kaharap ang isang fan na nagbigay sa kanya nito.

Nakatatak sa sapatos ang initial ng pangalan ng nasabing import at battlecry ng Gin Kings na, "Never Say Die."

Laking pasasalamat naman ni Brownlee sa nasabing fan na nagsabing "dapat lagi niya itong isuot."

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Nangako naman si Brownlee na iingatan niya ang sapatos at hindi niya gagamitinsa laro upang hindi kaagad masira.

Matatandaanginaprubahan na ng Senado ang panukalang Filipino citizenship ni Brownlee at hinihintay na lang ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang siya ay maging ganap na Pinoy.