Camp Gen. Francisco S Macabulos, Tarlac City – Arestado ng pulisya ang isang Regional Top 10 Priority High Value Individual sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Balete, Tarlac City, Linggo ng gabi, Dis. 18.

Ani PLTCOL Jim F Helario Chief ng Tarlac City Police Station, kinilala ang suspek na si Adrin Landicho, 32, ng Brgy. San Juan Bautista, Tarlac City.

Ito ang resulta ng koordinadong buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Tarlac City Police Drug Enforcement Unit at iba pang law enforcement units.

Arestado ang nasabing suspek matapos ibenta sa police poseur buyer ang isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng Php1,000.00.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ibinunyag ng pulisya na ang suspek ay miyembro ng criminal group na Tañedo Illegal Drug Group na pinagmumulan ng iligal na droga sa lalawigan at kabilang sa Top 10 Priority HVI sa rehiyon.