Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga -- Inaresto ng pulisya ang mga pangunahing suspek sa pagpatay sa isang 18-anyos na estudyante sa Angeles City sa nagpatuloy na follow-up operation isang araw matapos ang insidente noong Sabado, Dis. 17.

Ayon sa ulat, ang wala nang buhay na katawan ni Juana Mae Maslang , 18, babae, estudyante, at residente ng Jesus St, Purok 4, Brgy. Pulungbulu, Angeles City ay natagpuan ng kanyang ina noong gabi ng Dis. 16 sa loob ng kanilang silid.

Nawawala ang mga mahahalagang bagay nito kabilang ang isang mobile phone at relo.

Sinabi ni PBGEN Cesar Pasiwen na sa isinagawang follow-up investigation ng mga operatiba ng Police Station 1 ay nakita ng ilang testigo ang pag-alis ng mga suspek sa lugar ng biktima na kinilalang si Val Cahanding @BAL-BAL, 22, ang kanyang live-in partner na si Japanie Torbelles, kapwa mga residente ng Brgy. Pulungbulu, Angeles City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober sa bahay ng mga suspek ang dalawang t-shirt na may mantsa ng dugo at isang kitchen knife.

Ang tulong ng SOCO ay hiniling sa pagkolekta at pagsusuri ng DNA.

Nahaharap ngayon ang mag-asawa sa kasong robbery with homicide at kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 1.