Arestado ang isang pulis-Bohol matapos umano nitong holdapin ang isang gasolinahan sa Trinidad sa nasabing lalawigan nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng Bohol Provincial Police Office (BPPO) ang suspek na siStaff Sergeant Conchito Payac, Jr., 33, taga-Cantam-is, Barangay Aguining, President Carlos P. Garcia sa Bohol at nakatalaga sa Dauis Police Station sa lalawigan.

Sinabi ni BPPO chief Coil. Lorenzo Batuan, nakatanggap ng impormasyon ang Trinidad Police Station kaugnay ng nangyaring holdapan sa isang gasolinahan sa Purok 4, Poblacion nitong Sabado ng hapon.

Dinakip si Payac matapos matunton ang motorsiklong ginamit nito sa panghoholdap sa Brgy. Soom, Trinidad ilang oras matapos ang insidente.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Inihahanda na ng pulisya ang kasong robbery hold-up laban sa suspek.