Todo suporta pa maging si Kapamilya star Kim Chiu sa “super close” na interaction nina sexy actress Kylie Verzosa at Kapamilya leading man Jake Ejercito.

Naispatan ang tagpo nang ibahagi ito ni Kim sa kaniyang Instagram story nitong Sabado sa naganap na Christmas party ng Dreamscape Productions.

Kim Chiu/IG story

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa video, makikita pang habang tila nag-eenjoy ang dalawa sa isang duet karaoke session, hindi mapigilang tila kiligin naman ni Kylie at ilang attendees ng party habang akmang aakbayan siya ng aktor.

“We go for Jake and Kylie!!!” mababasa sa caption ni Kim sa kaniyang IG story.

Agad namang napa-react ang ilang fans sa rare interaction ng dalawa.

“Ano na naman to Jakey! Ms. Kylie alam namin may korona ka pero mahaba po pila,” anang isang Instagram fan page, Sabado.

“Mahilig sa Jake huh hahaha,” pabirong hirit ng isa pa kay Kylie na ang dating nakarelasyon ay si Jake Cuenca.

“May nanalo na!”

“Hoy bagay shet,” tila pag-aprubang sabat ng fan.

“Ang cutee!”

“Ayay kiligs!”

Nag-landing din sa Instagram story ni Kylie ang larawan niya kasama si Jake, kalakip din sa frame sina Kim Chiu at Kaladkaren.

Kylie Verzosa/IG

Nai-repost din ito ni Jake sa hiwalay na IG story.

Jake Ejercito/IG story

May namumuo nga bang espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawa? Ayan ang tila aabangan ngayon ng publiko.

Basahin: Kylie Verzosa, ‘nagpapasalamat’ sa tatlong taong relasyon nila ni Jake Cuenca – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Abril ngayong taon nang ianunsyo ni Kylie ang pagtatapos ng tatlong taong relasyon nila ni Jake Cuenca.

Habang, kilalang single dad naman at hands-on sa kaniyang unica hija na si Ellie ang aktor.