“May nanalo na!” sey ng maraming netizens!

Ito’y matapos ibida na nga ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Angelie o mas kilala bilang Lie Reposposa ang kaniyang British boyfriend sa Instagram.

“You’re my sun and moon you’re everything between in the middle of the stars collide with you,” mababasa sa Instagram post ni Lie kalakip pa ang "#road2forever" ngayong Sabado, habang naka-tag ang 19-anyos na foreigner boyfriend na si Paul.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Wow yes#road2forever#urthegravityinthemoon❤️❤️,” agad na komento naman ng dyowa sa IG post ni Lie.

Agad na napa-react ang maraming netizens sa kabogerang anunsyo ng online personality.

“AY IBA DEN!!!” komento na lang ng Idol Philippines alumnus na si Enzo Almario.

“May nanalo na!” sey ng verified account na si Kiara Takahashi.

“Mapapa sana all ka na lang!”

“Lie lang malakas!”

“Prayer reveal!”

“Wow im so happy for you dai!❤️❤️”

Kung bibisitahin naman ang IG account ng binata, makikita rin ang ilang bakas at featured Instagram stories nito kasama si Lie, mula nitong nakaraang dalawang linggo.

Paul/Instagram story

Si Lie ay nakilala ng publiko nang maging isa sa finalists ng ikawalong edisyon ng Pinoy Big Brother.

Bago nito, una na ring lumabas si Lie bilang daily contender at nakilala bilang “Teenig ng Tawanan ng Davao” sa sikat na segment na “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime.”