Ipinakita kaagad ng Adelaide 36ers ang kanilang lakas laban sa Brisbane Bullets, 108-77, matapos tambakan ng 31 puntos sa NBL 2022-2023 season sa Adelaide Entertainment Centre nitong Sabado.

Inilagay sa starting line-up si Kai Sotto kapalit ni Daniel Johnson bilang center kung saan nakabingwitito 13 puntos, walong rebounds, isang assist at isang block.

Pinamunuan ni Robert Franks ang Adelaide sa hinakot na 25 puntos at anim na rebounds, habangn si Sunday Dech ay nagdagdag ng 10 puntos at apat na rebounds.

Nakakuha naman ng 20 puntos si Antonius Cleveland habang si Anthony Drmic ay kumana ng 16 puntos.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Sa panig ng Brisbane, umiskor lang ng 18 puntos si Jason Cadee.

Sa susunod na laro ng 36ers ay sasagupain nito ang Tasmania JackJumpers.