Abot-abot na stress ang hatid sa komedyante, vlogger at dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Brenda Mage nang madiskubre ngayong Sabado na nawawala na pala ang ilang mamahaling alahas sa kaniyang jewelry box.

Sa isang Facebook live, idinetalye ni Brenda kung paano niya nalamang ninakaw na ang mga mamahaling bato na kaniya pang itinago sa sariling kuwarto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Drained na drained ‘yung ATM ko. May pera ako sa bangko pero sobrang kapiranggot lang talaga, para lang sa pang-araw-araw. Sahod ng trabahante namin ngayon because its Saturday and then wala akong pera pang-sahod sa kanila kaya ang ginawa ko, chineck ko ‘yung alahas ko na naiwan sa jewelry box ko [na] sa kwarto ko nilagay,” pagbabahagi ng komedyante na abala rin ngayon sa pagpapagawa ng kaniyang bahay.

Basahin: Wow! Brenda, natupad ang pangako sa ama, nakapagpagawa ng bahay ng buong pamilya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Una aniya niyang kinuha ang bracelet, at sa kasawiang palad, laking-gulat na lang niya nang hindi na madatnan ang isang partikular na ginto.

“Kukunin ko sana yung singsing ko na panther kung saan puno ng bato ‘yun, kumpleto ng bato ‘yun, isasanla ko sana para pang-next week at ngayon na sahod,” dagdag na detalye ni Brenda at sinabing nakalinya na rin sana ang bibilhing materyales kaya’t isasanla sana muna ang mga hawak na alahas.

Pagkakatanda ng komedyante, higit dalawang buwan na aniyang hindi rin nache-check ang naturang alahas dahil na rin sa kaniyang abalang schedule. Dahil dito, hindi rin aniya niya matukoy kung kailan nga ba nawala ang mga ito sa kaniyang jewelry box.

Nagkakahalaga ang isang panther jewelry pa lang na mula pa sa Japan sa P120,000. Ang masaklap pa, hindi pa ito nababayaran ng buo ni Brenda.

Sa ngayon, wala pang siguradong suspek si Brenda sa likod ng pagnanakaw.

“I don’t know who the suspect is really,” anang vlogger na tiwala sa mga kasamahan sa bahay dahil “never nawala” aniya ang mahahalagang gamit niya noon.

Gayunpaman, may pinaghihinalaan ang komedyante ngayon ngunit nais niya rin itong kumpirmahin sa pamamagitan ng isang manghuhula.

Tanging saad naman ni Brenda sa mga manghuhusga sa kaniyang sitwasyon: “Kasalanan ba ng tao na nagtiwala o kasalanan ng taong sumira ng tiwala?”

Sa pag-asang makikita sa mga malapit na pawnshop ang ninakaw na mga alahas, agad ring binisita ni Brenda nitong Sabado ang ilang saanlaan sa kanilang lugar.

Gayunpaman, wala ring nadatnan ang komedyante lalo pa’t hindi lahat ng mga alahas ay maaaring ilantad sa kung sinuman batay na rin sa kanilang mahigpit na polisiya.

Sa ngayon, ipinagpapa-sa-Diyos na lang ng komedyante ang kaniyang sitwasyon.