Ikinagulat ng mga tagasubaybay ng teleseryeng Darna ang paglabas ng kontrabidang si Janella Salvador na suot ang berdeng Darna costume sa isang eksenang umere ngayong Biyernes.

Kanya-kanyang espekulasyon ang netizens kung magtatapat nga ba ang orihinal na Darna na ginagampanan ni Jane de Leon at si “Green Darna” dahil tila bitin ang eksena nito na siyang panaginip lang ng karakter ni Janella Salvador.

Pinuri rin ng ilan ang pagiging Darna ni Salvador at sinabing bagay din siya sa role na ito.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

https://twitter.com/jeasluvr/status/1603725552560787461?s=46&t=IUcPRHyvd0NCMYGbwTrpzA

https://twitter.com/meistervhin/status/1603728653321281537?s=46&t=IUcPRHyvd0NCMYGbwTrpzA

https://twitter.com/jeasluvr/status/1603730057310400512?s=46&t=IUcPRHyvd0NCMYGbwTrpzA

Hindi na bago ang pagkakaroon ng kontrabidang Darna na karakter sa teleserye. Matatandaang huling ginampanan ng aktres na si Katrina Halili ang role na “Black Darna” sa pag-ere nito noong 2005 sa GMA Network.

Mapapanood ang “Mars Ravelo’s Darna” Lunes hanggang Biyernes, alas-otso ng gabi sa lahat ng Kapamilya platforms.