Maging si Kapamilya actress Janine Gutierrez ay hindi naitago ang pagfa-fangirl kay “Popstar Royalty” Sarah Geronimo kamakailan.

Ito ang humble na tagpo na ibinahagi ng ‘ASAP Natin ‘To’ writer na si Darla Sauler nitong Huwebes.

Basahin: Kapamilya stars, masaya sa pagbabalik-ASAP studio ni Sarah G after two years! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa naturang video, makikitang habang abala si Sarah G sa kaniyang much-anticipated comeback sa ‘ASAP Natin ‘To’ stage. nasa gilid naman si Janine na maririnig at makikitang tinutukso ng ilang stars at staff para up-close na maka-interact at makapagpa-picture sa singer.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Very supportive din si Darla, at maging ang kapwa star at popster na si Maymay Entrata na todo-hikayat pa kay Janine na lapitan nga si Sarah G.

Matapos ang production number ng Popstar Royalty, sunod na makikitang all-smile na nakapag-papicture sa wakas si Janine sa singer.

Ilang Kapamilya artists naman ang nag-react din sa pagpa-fangirl ni Janine sa multimedia star.

Anang host na sina Melai Cantiveros at Kerwin King, “cute” anila ang humble na reaksyon ni Janine kay Sarah G kahit na sikat maging ang aktres mismo.