Matapos ang kaliwa’t kanang selebrasyon para sa kaniyang kaarawan nitong Huwebes, lumipad na pa-Amerika ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Celeste Cortesi.

Ito ang makikita sa mismong update ng Miss Universe Philippines nitong gabi ng Biyernes, Dis. 16.

Sa larawang kinunan sa paliparan, makikita na ang malalaking bagahe ng beauty queen na tila bahagi ng mga lulutuing pasabog nito sa kaniyang huling bugsong training sa Amerika.

Halos isang buwan pa bago ang inaabangang kompetisyon.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Take a look as Miss Universe Philippines 2022 @celeste_cortesi embarks on her journey to the US for the final leg of her training for the 71st Miss Universe competition,” mababasa sa social media post ng organisasyon.

Basahin: Celeste Cortesi, natapilok sa gitna ng kaniyang pasarela training; ikinabahala ng fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang nagpahayag ng kumpiyansa ang buong team ng beauty queen para sa potensyal na ikalimang Miss Universe crown ng bansa.

Gaganapin ang ika-71 edisyon ng prestihiyusong kompetisyon sa Enero 14, 2023 sa New Orleans, Louisiana.

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang huling Pinay titleholder.