LAGUNA - Anim na magkakamag-anak ang nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos tumaob ang kanilang sinasakyang pick up van sa Calamba City, nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ng Calamba City Police ang mga nasawi na sina Jhomel Hernandez Licas, 26, driver, Ruel Hernandez Dimailig, Jonel Hernandez, 29; Medel Hernandez, 32; at Angelo Hernandez, 24; pawang taga-Barangay San Roque, Tagkawayan, Quezon.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng ika-anim namatay sa aksidente.

Isinugod naman sa ospital ang isang kasamahan ng mga ito na si Marvin Hernandez, 22, na huling naiulat na nasa malubhang kalagayan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa police report, mabilis ang takbo ng sinasakyan ng mga ito habang paparating sa kurbada, malapit sa tulay na boundary ng Brgy. Paciano at Brgy. San Cristobal sa Calamba City.

Inokupa ng sasakyan ang kabilang linya ng kalsada at muntik na masalpok ang kasalubong na motorsiklo at isang pampasaherong jeep.

Nawalan ng kontrol ang driver hanggang sa tumaob ang sasakyan matapos sumalpok sa barricade sa gilid ng highway.

Dead on arrival sa Calamba Doctors Hospital at sa Global Medical Care sa Cabuyao City ang mga ito, ayon sa pulisya.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente.