Nasa 815 na sinkholes ang nadiskubre sa Boracay Island kamakailan, ayon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Dahil dito, nagbabala ang DENR-Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa posibleng idulot nitong panganib sa imprastraktura sa isla.

Inilahad ng ahensya, ang mga sinkholes ay nakita sa tatlong barangay sa isla.

Sa pag-aaral ng DENR, nangyayari ang sinkhole kapag nabiyak ang limestone na pundasyon katulad sa Boracay na dulot ng pagyanig o pagkaubos groundwater nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Paliwanag ng ahensya, mahirap na mapanatili ang carrying capacity ng isla na 6,000 katao kada araw.

Nagpahayag naman ng pagkagulat ang Malay government sa Aklan kaugnay sa resulta ng pag-aaral ng DENR at sinabing wala silang natanggap na katulad na impormasyon nang isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon ang Boracay noong 2018.