Hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ₱2.48 milyong halaga ng illegal drugs na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark kamakailan.

Ayon sa BOC, ang nasabing shabu ay nadiskubre sa isang kargamentong nauna nang idineklara bilang "air filter, fuel filter at oil filter ng mga kotse" nang dumating sa bansa mula Lagos, Nigeria nitong Nobyembre 19.

Paliwanag ng BOC, ang nasamsam na iligal na droga na nasa 360 gramo ay nakasiksik sa dalawang oil car filter.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso upang mapanagot ang consignee ng naturang kargamento.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar