Tinatayang aabot sa ₱150 milyong halaga ng mga pinekeng brand ng damit ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang pagsalakay sa isang bodega sa Cavite nitong Huwebes.

Sa report ng Bureau of Customs (BOC), hawak ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang letter of authority na inilabas ng Commissioner's Office nang inspeksyunin nila ang bodega ng Hong Yun Real Estate Group Inc. sa M. Salud Road, Alapan II-A, Imus.

Nadiskubre ng CIIS-MICP ang bultu-bultong ready-to-wear garments at appliances.

"The implementation of this operation comes with reinforcement from different departments. It was also made possible by the coordination with the police and local barangay officials. This is what it means to work with one goal in mind, which is to put a stop to this menace,” ayon sa pahayag ng BOC.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

“From top to bottom, we are united in our aim to see our markets free from these contrabands aswell smuggledfake products,” sabi pa ng ahensya.

Philippine News Agency