Nahablot ng Ginebra San Miguel ang Game 1 laban sa Magnolia, 87-84, sa kanilang PBA Commissioner's Cup semifinal series sa PhilSports Arena sa Pasig nitong Miyerkules ng gabi.

Sinamantala ng Gin Kings ang pagkawala ni Hotshots import Nick Rakocevic matapos patawan ng dalawang technical foul sa third quarter.

Hindi naging epektibo ang presensya ni Ginebra resident import Justin Brownlee nang nagmintis ng dalawang beses sa mula sa free throw line. Nakakuha lang ng 11 puntos at 13 rebounds si Brownlee.

Gayunman, rumatsada nang husto ang mga kakamping sina Jaime Malonzo na nakakolekta ng 21 puntos at 12 rebounds.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Kumubra si Scottie Thompson ng 16 puntos at 14 puntos naman si Christian Standhardinger.

Nanguna naman sa Hotshots si Paul Lee matapos kumana ng 21 puntos.