Hindi maitago ng internet star na si Zeinab Harake ang kaniyang kilig nang batiin siya sa kaniyang kaarawan at sundan pa siya sa Instagram ng nag-iisang “Dyosa” at Kapamilya star na si Anne Curtis.

Ito ang ibinahagi ni Zeinab sa kaniyang Twitter post noong Linggo, Dis. 11, isang araw bago ang kaniyang ika-24 kaarawan.

View this post on Instagram

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

“Omg happy birthday self iba yung kilig ko mga bb 😭😭🤍🤍🤍🤍🤍” mababasa sa tweet ni Zeinab kalakip ang screenshot ng pagbati sa kaniya ni Anne at ang mismong pag-follow nga nito sa kaniya sa Instagram

https://twitter.com/ZeinabHarake11/status/1601967033528487936

“Happy birthday, pretty lady,” sey ni Anne Curtis.

Si Anne ay isa sa pinakaprominenteng aktres, host at concert performers sa bansa.

Siya rin ang most followed Pinay celebrity na mayroong 18.6 million followers sa pag-uulat.