Patuloy pang ginugulat ni Kapuso star Carla Abellana ang kaniyang followers kasunod ng muli na namang daring na mga larawan, tila hudyat ng bagong imahe niya sa pagtatapos ng taon.

Hindi lingid sa lahat na isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz sa bansa ang 36-anyos na aktres, ngunit ang ikinabibigla ng lahat ay ang unti-unting bold image nito na kaniya ngang sinimulan ngayong Disyembre.

Basahin: Grabe! Carla Abellana, ginulat ang netizens, kapwa celebs sa daring na mga larawan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sari-sari ang naging reaksyon ng fans sa matapang na career move ng aktres na kilala sa kaniyang classic Pinay beauty.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ilang netizens pa nga ang kamakailang nagsabing pagrerebelde pa umano ito ni Carla kasunod ng pinagdaanang divorce sa dating asawa na si Kapuso actor Tom Rodriguez.

Basahin: ‘Nagrebelde ang lola’: Daring image ni Carla, umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Agaw-pansin kasi ang tila biglaang daring at bold na atake ng Kapuso star sa kaniyang social media kumpara sa nakasanayang simple ngunit eleganteng awrahan lang nito.

Sa kaniyang edad, walang effort na pinatunayan pa rin ng Kapuso star ang kaniyang trono sa showbiz bilang isa sa pinakamagandang mukha sa industriya.

Nito ngang Linggo, Dis. 11, lalo pang pinainit ni Carla ang online world sunod ang serye ng mga panibagong sexy photos niya sa Instagram.

Inulan ng positibong komento ang aktres mula sa kapwa stars.

“Caaaarl ❤️❤️❤️🔥🔥🔥 so so gorgeous!!!” sey ni Camille Prats.

“Gandaaaaa! 🔥🔥🔥” komento ni Agot Isidro/

“Whataaaa faaaace grabe,” saad na lang ni Mariel Padilla.

“Grabe napakaganda,❤️” sey ni Lovely Abella.

Maging si Arlene Muhlach, at Tim Yap ay napa-wow din sa pasabog ng aktres.

Sa pag-uulat, umani na agad sa mahigit 118,000 likes ang naturang IG post.