Lumalakas pa rin ang bagyong Rosal habang ito ay nasa Philippine Sea, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa abiso ng PAGASA, huling namataan ang bagyo 505 kilometro silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan, taglay ang hanging  55 kilometer per hour (kph) at bugso na hanggang 70 kph.

Patuloy na kumikilos ang bagyo pa-hilagang silangan sa bilis na 15 kph.

Nasa 280 km mula sa sentro ng bagyo ang maaapektuhan ng lakas ng hangin nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa pagtaya naman ni PAGASA weather forecaster Veronica Torres, malaking bahagi ng bansa ang maaapektuhan ng matinding pag-ulan.

Nitong Linggo ng gabi, halos isang oras ang naranasang pag-ulan sa malaking bahagi ng Central Luzon.

Inaasahan ng PAGASA na lalakas pa ang bagyo sa susunod na 24 oras.

Posible ring kumilos ang bagyo pa-silangan hilagang silangan nitong Linggo ng gabi hanggang Martes.

Bukod dito, inaasahan na rin ng ahensya na hihina na ang bagyo sa Martes ng gabi o sa Miyerkules.