Hindi pa rin makapaniwala si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na natupad na niya ang pinapangarap niyang maging "world champion."

"Kay gandang pakinggan, eto ay aking lamang pinapangarap. Natupad din sa wakas!" ani Diaz sa isang Instagram post.

View this post on Instagram

A post shared by Hidilyn Diaz-Naranjo OLY (@hidilyndiaz)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Si Diaz, na ngayon ay world champion na, ay nagreyna sa women’s 55 kg event sa IWF World Weightlifting Championships sa Bogota, Colombia nitong Disyembre 7 (Huwebes sa Pilipinas).

BASAHIN: 3 pang gintong medalya, naiuwi: Weightlifter Hidilyn Diaz, world champion na!

Nagpasalamat din si Diaz sa lahat ng naging bahagi ng kanyang paglalakbay patungo sa world championship.

Sinabi rin ng Olympic gold medalist na ito na ang kanyang huling stint sa 55 kg class.

"This is my last lift at 55kgs Category and I’m happy to end it as @iwfnet World Champion."

Sinabi rin ni Diaz na inaabangan niya ang hinaharap habang naghahanda siyang maging kwalipikado para sa 2024 Paris Olympics.

Nakatakdang magretiro si Diaz pagkatapos ng Paris Olympics kaya naman puspusan ang paghahanda nito para makasungkit muli ng gintong medalya.

BASAHIN: Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics