Tinamaan ng 5.9-magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Northern Samar nitong Biyernes ng hapon.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 2:33 ng hapon nang maitala ang pagyanig sa karagatan ng nasabing lalawigan o 105 kilometro hilagang silangan ng Mapanas.
Nasa 38 kilometro ang nilikhang lalim ng payanig na dulot ng paggalaw ng fault line na malapit sa nasabing lugar.
Naramdaman din ang Intensity III sa Mapanas at Palapag sa Northern Samar, Intensity II sa Rosario at San Roque sa Northern Samar, at Prieto Diaz at Bulusan sa Sorsogon.
Bahagyang pagyanig naman ang naramdaman sa Legazpi City at Tabaco sa Albay, Mercedes at Daet sa Camarines Norte, Pili sa Camarines Sur, Hernani at Can-Avid sa Eastern Samar, ilongos, Dulag, Kananga, Abuyog, Alangalang at Baybay sa Leyte dahil naitalang sa Intensity 1.
Walang inaasahang pinsala ang pagyanig na inaasahang magdulot ng aftershocks.