Sinalakay at ipinasara ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang isang travel agency sa San Fernando, Pampanga dahil sa pag-aalok ng mga pekeng trabaho sa Poland, kamakailan.

Kasama rin sa ikinandado ang dalawa pang opisina ng IDPlumen Travel Consultancy Services sa Santiago City sa Isabela at sa Tabuk City sa Kalinga, ayonDepartment of Migrant Workers (DMW).

Sa pahayag ni DMW Secretary Susan Ople, nilusob ng mga tauhan ngAnti-Illegal Recruitment Branch (AIRB) ng POEA ang tatlong opisina ng nasabing travel agency matapos ireklamong naniningil sa kanilang aplikante ng hanggang₱122,000 bilang processing fee batay na rin sa ipinaiiral na "fly now, pay later" scheme.

“Please do not transact with travel consultancy firms offering jobs abroad. Illegal recruitment 'yan. May naghihintay na one-way ticket sa kulungan ang mga nagpapatakbo ng ganyan," babala ni Ople.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Bago aniya ang ikinasangoperasyon ng POEA, minamnaman muna ang ang tatlong opisina at natuklasan nilang kabilang sa iniaalok na trabahosa Poland ay truck driver, welder, at factory worker.

Kinumpirma rin ng DMWna walang lisensya sa POEA ang nasabing travel agency sa pangangalap nito ng mga aplikanteng nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.

Inihahanda na ng POEA ang kasong illegal recruitment laban sa mga may-ari ng nasabing travel agency.

Philippine News Agency