Saludo ang talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz kay Songbird Regine Velasquez dahil sa pagiging to the rescue nito kay Kyla sa pagkanta nito para sa yumaong ina ni Erik Santos. 

Ibinahagi ni Ogie sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Disyembre 7, ang kaniyang pagkahanda sa Songbird. 

Kalakip ng naturang post ang isang video na kung saan makikitang hindi napigilan ni Kyla ang emosyon at tuluyang bumuhos ang luha para sa namayapang ina ng kaibigan.

Makikita rin ang pagtayo ni Regine upang samahan ito sa harapan at saluhin ang kanta sa lumuluhang singer. 

Songbird, to the rescue kay Kyla sa pagkanta ng 'Tanging Yaman' para sa yumaong ina ni Erik Santos

"Ever since talaga, mabait na si Regine. Sa dami ng kwentong nakakarating sa akin, saludo ako sa yo, Ms. #reginevelasquezalcasid," sey ni Ogie. 

KAUGNAY NA BALITA: