Para sa maraming netizens, may malalim na hugot ang ina, at singer na si Kyla Alvarez habang umaawit para sa yumaong ina ni Erik Santos kamakailan dahilan para hindi na nito halos masambit ang makabagbag-damdaming mga salita sa kantang “Tanging Yaman.”

Sa pag-uulat, patuloy pa ring nagpapahagulgol sa maraming netizens ang emosyonal na paglalaan ng Kapamilya R&B singer ng kanta para sa kamakailang pagyao ng ina ng kaibigang si Erik na si “Nanay Lits.”

Basahin: Panourin: Makabagbag-damdaming huling pag-awit ni Erik Santos sa namayapang ina – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Marami ang muling inalala at binalikan ang kanilang mga yumaong ina, ama at mga mahal sa buhay kasunod ng pag-agos ng emosyon ni Kyla sa kanta kung saan umagapay nga maging si Regine Velasquez.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: Songbird, to the rescue kay Kyla sa pagkanta ng ‘Tanging Yaman’ para sa yumaong ina ni Erik Santos – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasabay nito, maraming netizens din ang nakisimpatya sa Kapamilya singer na anila’y isang tao lang, at may malalim na hugot habang binibigkas ang mga salita sa kanta.

“I feel Kyla here. She knows the exact feeling as she also lost her 2 children due to a miscarriage. She can definitely slay the song but she was so carried away and so emotional,” komento ng netizen sa isang kopya nga ngayo’y viral video ng singer na kinunan ni Ogie Diaz.

“Actually, apat na beses na po siyang nakunan. Kaya grabe na lang din ‘yong pagragasa ng emosyon niya while singing the s[o]ng. It must have reminded her sa apat na beses na sakit losing her children,” tugon at pagtama pa ng isa pang netizen sa impormasyon.

Matatandaang noong Hunyo lang ngayong taon, dumaan muli sa matinding pagsubok si Kyla nang makunan sa ikaapat na pagkakataon.

Isang mahabang Instagram post ang inalay pa ng ina para sa saya pa ring natanggap sa kabila ng naging kinahantungan ng ikalimang pagdadalantao.

“You have brought me so much joy, even for a few months that I carried you within me. It was all pure joy. But losing you..again..for the fourth time is unimaginable. I can’t even put my feelings into words,” mababasa sa Instagram post noon ni Kyla.

Basahin: ‘Unimaginable’: Kyla, nagdadalamhati ngayon matapos makunan sa ikaapat na pagkakataon – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Apat na beses na nakunan si Kyla matapos hindi rin naging matagumpay ang pagbubuntis ng singer noong Marso at Nobyembre 2018 at noong Hulyo 2021.

Taong 2011 nang ikasal ang Kapamilya singer sa basketball star na si Rich Alvarez.

Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang anak, si Toby, noong 2013.