Inilabas muli ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang husay nito sa weightlifting matapos magreyna sa women's 55 kg event sa IWFWorld Weightlifting Championships sa Bogota, Colombia nitong Disyembre 7 (Huwebes sa Pilipinas).

Dahil dito, isa nang world champion si Diaz.

Pinamunuan ni Diaz ang clean and jerk nang buhatin nito ang 93 kg sa kanyang ikalawang pagtatangka kaya nahablot nito ang unang gold medal at naibulsa rin nito ang ikalawang gintong medalya matapos maiangat nang tuluyan ang 114 kg.

Nauna rito, pinitas din ni Diaz ang gold medal sa women's 55 kg division.

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference

Sa kabuuan, nasa 207 kg ang binuhat ni Diaz kung saan natalo nito ang 10 kalaban sa kanilang weight class.

Ang tatlong bagongmedalya ni Diaz ay naidagdag sa mga naiuwing gold at silver medal nito sa sinalihang Olympics, Asian games at Southeast Asian Games