Nagkomento ang social media personality na si Valentine Rosales sa ulat ng Balita Online tungkol sa pangako ni Ivy Lacsina na kahit anong mangyari, mananatili siya sa tabi ng kaniyang partner na si Choco Mucho Flying Titans volleyball star player Deanna Wong, na "ini-spike" ng mga intriga ngayon dahil sa "snob issue".

Magkasama sa El Nido, Palawan ang mag-partner kasama pa ng iba pa nilang mga kaibigan.

Sa litratong ibinahagi ni Deanna sa Instagram, tila wafakels siya sa mga isyung ipinupukol sa kaniya at enjoy sa pagbabakasyon kasama ang mahal sa buhay.

"Making the night special just by being in it," ani Deanna sa kaniyang caption, kalakip ang litrato nila ni Ivy.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Makikita rin sa kaniyang IG stories ang update patungkol sa kanilang bakasyon.

Ayon naman sa ulat, nangako si Ivy na patuloy siyang makikisama sa "laban" ngayon ng partner---hindi laban sa volleyball court, kundi laban sa bashers at haters.

“To my adi, maraming nangyayari ngayon pero tandaan mong andito lang ako para samahan ka sa lahat ng laban mo. Always proud of you! I’m always here for you at yung mga totoong nagmamahal sa'yo at nakakakilala sa'yo! I wav you!" mensahe ni Ivy sa kaniyang partner.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/06/andito-ako-para-samahan-ka-ivy-lacsina-kasama-sa-laban-ng-partner-na-si-deanna-wong/">https://balita.net.ph/2022/12/06/andito-ako-para-samahan-ka-ivy-lacsina-kasama-sa-laban-ng-partner-na-si-deanna-wong/

Nagkomento naman si Valentine sa comment section ng Balita Online kung saan ito napaulat.

"Samahan kang mang-snub, kung maka-deadma kala mo may hakdog eh, et-eats reveal naman jan," sey nito.

Screengrab mula sa Balita Online

Matapos nito ay rumesbak naman ang mga tila tagahanga ng mag-jowa laban sa kaniya.

"Valentine Rosales 'wag sumakay sa issue gusto mo lang magka-follower…. wag ka sanang i-follow, respect begets respect."

"Para ka naman walang issue… pa-famous pa more, 'wag feeling perfect oi!"

"Valentine Rosales buti si Deanna minsan lang di naman 'yon lang issue niya, ikaw ba ano nga yong issue sa'yo???"

"Valentine Rosales kung maka-comment ka rin parang walang mali sa katawan. Mahiya ka naman tao ka rin magkakamali ka rin. Noong napa-trouble ka nga, hindi ka nga hinuhusgahan ni Deanna. At isa pa hindi mo kilala ang buong pagkatao nila kaya wala karapatang manghusga sa kung ano lamang ang nakikita mo sa mga kumakalat na video, dahil kaming mga taong tunay na nagmamahal kay Deanna Wong ang siya lamang nakakaalam sa kung sino siya. Ikaw ba? Nasusubaybayan mo ba lahat ng kilos niya? For sure andito ka lang naman para lang pa famous. Sana man lang wag ka nang makisawsaw sa issue nang matigil nah."

Sa kabilang banda, may ilan ding netizens na sumuporta at sumang-ayon kay Valentine.

"Hayaan n'yo na po kahit walang hakdog or et-eats..Yung iba nga may hakdog o et-eats di naman nagagamit naka-stock lang namuti na sa kojic,😂 charrr about snob lang tayo hindi about hakdog."

"Valentine Rosales ahahaha true."

"Valentine Rosales ayos ah gustong gusto ko comment mo."

"Valentine Rosales may maganda ka ring sinabi wahahaha very true may kasamang mang-dedma."

"Akala kasi nila na walang makakuha ng video sa kanila doon pero mali sila, 'TRUE COLOR OF THEM ARE OUT'."

Disyembre 5, muling nagparinig naman si Valentine subalit sa kaniyang sariling Facebook post naman.

"I-ayon ang pagiging snub sa lawak ng butas ng ilong ha?" aniya.