Ibinalita ng segment producer ng "ASAP Natin 'To" na si Darla Sauler na muling mapapanood ng Kapamilya viewers si Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo sa naturang longest musical variety show tuwing Linggo ng tanghali---on the studio!

"My ⭐️ heart is super happy. Welcome back bebe gurl @justsarahgph! Oh yes, she’s back - on the studio! Don’t miss her on Sunday sa ASAP!" saad ni Darla sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Disyembre 6.

View this post on Instagram

A post shared by Darla Sauler (@darla)

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Kalakip nito ang litrato ni Darla habang nakayakap kay Sarah. Makikita sa kanilang likod ang background na tila nagbigay sila ng pa-welcome back surprise para sa isa sa mga main host at performer ng nabanggit na musical variety show.

Marami naman sa mga netizen ang na-excite sa muling pagbabalik ni Sarah G. Matatandaang naputol ang mga bulung-bulungang lilipat na sa GMA Network si Sarah at iiwanan na ang ASAP/ABS-CBN.

"Nagpa-miss po ako, and I'm finally home!" saad ni Sarah sa isang VTR, sa isang espesyal na pag-welcome sa kaniya noong Hulyo 24.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/im-finally-home-sarah-geronimo-balik-asap-na-hinandugan-ng-espesyal-na-tribute/">https://balita.net.ph/2022/07/24/im-finally-home-sarah-geronimo-balik-asap-na-hinandugan-ng-espesyal-na-tribute/

Espesyal ang episode ng ASAP na inilaan para sa muling appearance ni Popstar Royalty, dahil ang hashtag ay #ASAPSG.

Bago ang aktuwal na taped performance ni Sarah, binigyang-tribute muna siya ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid nang awitin nito ang "Forever's Not Enough" na pinasikat na awitin ni Sarah.

Sumunod naman ang ASAP New-Gen performers sa pamamagitan ng pag-awit sa iba pang mga kinanta ng Popstar Royalty, gaya nina Janine Berdin at Lara Maigue (Tala), Fana at Reiven Umali (Kilometro) at JM Yosures at Sheena Belarmino (Isa Pang Araw).

Hindi live performance ang ginawa ni Sarah kundi ang opisyal na music video para sa kaniyang latest song na "Duyan" ang kaniyang ipinamalas, na ginawa sa kanilang studio ng mister na si Matteo Guidicelli. Si Sarah mismo ang bumuo ng konsepto para sa kaniyang music video.

Nagwala ang Twitter world lalo na ang mga Popsters dahil finally ay linggo-linggo na nilang mapapanood si Sarah G, dahil sa bagong segment na "ASAP: The Sarah G Special".

Bagama't maraming natuwa sa pananatili ni Sarah G bilang isang Kapamilya, marami naman ang nadismayang hindi pa bumabalik ang singer-actress sa mismong studio upang makasama ang iba pang ASAP performers at icons gaya nina Martin Nieverra, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Erik Santos, at Regine Velasquez-Alcasid.