Balik-studio na ng “ASAP Natin ‘To” si Popstar Royalty Sarah Geronimo matapos ang ilang virtual na comeback lang sa Kapamilya Sunday musical show mula pa noong 2020.
Ito ang sabay-sabay na kinumpirma ng ilang Kapamilya singers at maging mismo ng creative writer ng programa na si Darla Sauler.
“My ⭐️ heart is super happy. Welcome back bebe gurl@justsarahgph! Oh yes, she’s back - on the studio! Don’t miss her on Sunday sa ASAP! ✨” mababasa sa Instagram post ni Darla, Lunes.
Nanatiling taped pa rin ang programa na hinahati sa ilang tinatawag na cycles. Ibig-sabihin nito, aasahan si Sarah ng mga tagasubaybay ng programa sa susunod na mga episodes sa mismong studio nito.
Kasama sina Darren Espanto, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Gary Valenciano at Erik Santos, naispatan na rin ang all-smile na si Sarah sa studio ng ASAP.
Huli pang napanuod sa aktuwal na studio si Sarah noong Nob. 2020.
Tila abala naman ngayon ang singer sa pag-promote ng kaniyang latest single na “Dati-Dati.”
Ngayon pa lang, excited na ang popsters sa most-awaited ASAP stage comeback ni Sarah.