Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga -- Boluntaryong sumuko sa awtoridad ang dalawang aktibong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) at itinurn-over ang kanilang mga armas noong Lunes, Disyembre 5 dito.

Itinurn-over ng CTG members ang kanilang 9mm pistol at dalawang M203 ammunition sa pulisya.

Kinilala ang isang sumuko na si "Ka Biboy," dating miyembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) bilang medic officer.

Probinsya

Nadamay na student-leader at local journalist sa engkwentro ng militar vs NPA, umani ng mga reaksyon sa netizens!

Isinuko rin ni Ka Biboy, na aktibong miyembro rin ng KADAMAY, ang caliber 9mm pistol na walang serial number na may magazine at isang hand grenade.