CAGAYAN DE ORO CITY - Walo ang patay habang 13 ang malubhang nasugatan matapos sumalpok ang sinasakyang truck sa isang cargo truck sa Barangay Agusan C.M. Recto Highway nitong Lunes ng madaling araw.

Kinumpirma ni Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) director Col. Aaron Mandia ang pagkasawi ng walong katao sa aksidente.

Sa ulat ng pulisya, pauwi na sana sa Tagoloan, Misamis Oriental ang walong nasawi na sakay ng isang truck na minamaneho ni Alvin Escabarte, 40, taga-Tagoloan, Misamis Oriental nang sumalpok ito sa kasalubong na truck na minamaneho ni Julito Telen, 43, taga- P-12, Baloy Tablon, Cagayan de Oro City, sa nabanggit na lugar.

Dead on the spot si Escabarte, kasama ang pitong iba pa, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nasugatan sa aksidente ang 13 iba pa na kaagad na isinugod sa ospital.

Nahaharap na sa reckless imprudence resulting in multiple homicide at physical injuries si Telen.