Isang motorcycle rider ang patay nang mabangga ng isang van sa San Mateo, Rizal noong Linggo, Disyembre 4.

Ang biktimang si Florendo Petilo ay binawian ng buhay habang isinusugod sa Casimiro Ynares Hospital dahil sa pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek na si Garry Tranquilino.

Batay sa ulat ng San Mateo Police Station, nabatid na dakong ala-1:39 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Gen. Luna St., sa San Mateo.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Binabaybay ng biktima na sakay ng motorsiklo ang naturang lugar nang mabangga ng aluminum van na minamaneho naman ng suspek.

Kaagad na naisugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa piskalya.