Matapos maungkat ang tila sama ng loob ng aktor na si Dennis Padilla sa umano’y pagdedma sa kaniya ng batikang brodkaster na si Karen Davila kaugnay ng ipinangako raw na panayam, to the rescue naman ang netizens para sa nadadamay umanong mga anak ng kontrobersyal na ama.

Matatandaang sinabi ni Dennis sa isang panayam kamakailan na “shinowbiz” umano siya ng mamamahayag na hanggang sa ngayon ay wala pa rin umanong tugon para sa kaniyang panig.

Basahin: Dennis Padilla, imbyerna kay Karen Davila; pangakong interbyu, wala pa rin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Babalikan ang pinag-usapang panayam ni Julia Barretto kay Karen noong Setyembre kung saan sensitibo at prangkang mga pahayag ang isinawalat ng aktres tungkol sa ama.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Basahin: Julia Barretto, hindi pa handang patawarin ang amang si Dennis Padilla – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Naging dahilan ito ng muling pagbabangayan ng ama sa kaniyang mga anak sa social media, dahilan para mag-demand na ng kaniyang panig si Dennis sa parehong YouTube channel ng brodkaster.

Pagdepensa muli ng netizens ngayon laban kay Dennis, tigilan na umano nitong maging dahilan para lalo pang madawit ang mga anak sa kaniyang mga isyu.

Narito ang iniwang mga komento ng mambabasa ng Balita Online sa isang Facebook update, Linggo.

“Lumalabas na talaga tunay na kulay ng AMAIN. yung netizens todo tanggol pa sakanya noon pero sa sarili nya rin mga salita nakikita na yung totoo nyang pagkatao bilang ‘tatay’ kila julia. galit na galit yarn wala naman sinabing masama sakanya yung anak at interviewer,” komento ng isang netizen.

“Ayaw ni Karen ng liar, probably the reason. Hindi rin siya mahilig sa drama, ‘tigilan mo na kasi pamamahiya sa mga anak mo, tatay ka nga ba?’” segunda ng isa pa.

“Vlogging lang naman un interview nya at hindi talaga as a journalist kaloka naman Dennis😅

“Hey act like a gentleman should. BEHAVE!”

“Personal vlog nman kc nya ung pag iinterview sa mga celebrities, for content ika nga.....so karapatan nyang tanggihan ka. And hnd un journalism, vlogging un😂😂😂

“Tama na Dencio..... ama rin ako. Sa hinagpis ng nararamdaman mo ay nararamdaman ko rin bilang ama. Ngunit, mqintindihan mo rin ang mga pangyayari. Its done deal, wala ka nang mapapala dyan. Kung totoo mga sinasabi mo, sarilinin mo na lang. Kung di namnmanahimik ka na lang. Tama na. Tsaka, para kay karen di ka magandang content para sa kanya. Magpainterview ka kay Long Mejia o kay Aiko....”

“Professional si Karen and that explain why hindi siya bother sayo Dennis. She will not stoop that low.”

“Mali nga si Julia pero sana tigilan mo na po kasi habang pinapasiklab mo ang apoy at umuusok mas lalo silang magagalit sayo..Hyaan mo na nabuhay ka naman ng wala sila di mo na kilangan pagsiksikan ang sarili mong anak mo sya.Sa mata ng diyos at taomagkadugo kayo khita anong gawin pa nila..Kaya para sa ikatahimik ng pamilya mo hyaan mo nlang humilom ang sugat ng nkaraan..”

“Para sa mga anak mo, tigilan mo na!”

“Mas lalo mo lang pinapalala ang situation manahimik kanalang kc!”

“Masyado nang nagpapansin. Imbes na maging tahimik ang pamilya lalong gumugulo. Mag usap kayo ng tahimik bilang pamilya!”

Hindi ito ang unang beses na nakisimpatya ang maraming netizens para sa mga anak ng aktor na anila’y biktima ng patuloy na pag-iingay ni Dennis sa publiko.

Basahin: ‘Panunumbat is disgusting’: Sentimiyento ng netizens vs Dennis Padilla, viral! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid