Matapos ang up-close na interaksyon ng fashion socialite at online personality na si Bryan Boy kay South Korean star Cha Eun Woo, hindi ito nakaligtas sa metikulosong netizens na kaniya rin namang binuweltahan pabalik.

Ikina-sanaol ng maraming followers ng fashion influencer sa kaniyang social media ang selfie nito kasama ang “True Beauty” star.

Gayunpaman, as expected hindi naman naging masaya ang lahat para kay Bryan, partikular na ang isang netizen na ipinagpalagay na nagfi-feeling lang siya nang sabihing kaibigan niya ang hallyu global star.

“Lahat na lang friend mong artista sa ibang bansa kahit hindi ka naman kilala? Baliw ka na bading,” mababasa sa caption ng nahuling shared post ng isang diskumpyiadong netizen ukol sa dating fashion scribe.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Agad na reaksyon ni Bryan, “Ang daming bumubula ang bibig my gosh kahit na may pictures at video proof. Apply muna ng passport please.”

Bago nito, nauna nang ipinasilip ng online personality ang ilang ganap sa Dior show sa Egypt kasama nga si Eun Woo. Sa parehong fashion show nakasama rin nito ang isa pang idol at aktor na si EXO Sehun.

“So guys, nagkita kami ng friend ko na Koreano sa Dior show. Hala ang guwapo niya. Bale una kaming nag-meet September this year tapos ngayon nagkita kami ulit, nag-hi siya,” pagbabahagi ni Bryan sa isang Facebook video, Linggo.

Basahin: ‘Ninang’ Bryan Boy, naka-selfie ang ‘friend’ na si South Korean star Cha Eun Woo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“’Wag niyo na tanungin kung paano ko i-pronounce ang name niya basta ang alam ko lang friend ko siya. Mabait siya sa akin,” prangkang pagtatapos niya.

Bukod kay Eun Woo, kilala ring kaibigan ang Pinoy fashion socialite ni BLACKPINK member Lisa.

Sa katunayan, imbitado pa ito sa kamakailang concert ng grupo sa Amerika.