Kasunod ng ikalabindawalang taong anibersaryo ni “Asia’s Phoenix” Morissette Amon sa showbiz, isang espesyal na mensahe ang handog ng kapwa musikero at mister na si Dave Lamar.

“Twelve years in this industry ain’t no joke. Congrats on another year mi love!“ mababasa sa Instagram flex ni Dave, Lunes.

View this post on Instagram

A post shared by Dave Lamar (@davejlamar)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Taong 2012 nang unang sumabak sa telebisyon si Morissette sa reality show na “Star Factor” sa TV 5.

Basahin: Dave Lamar sa first wedding anniversary nila ni Morissette Amon: ‘Just completely rely on God’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ani Dave, hinahangaan at ipinagmamalaki niya ang pagpupursige ng kaniyang misis “to push the limits of what is possible.”

“[I] will always be here to cheer you on and help in whatever way I can. Cheers to many more years of music to come! I love you,” dagdag ng mister.

Matapos ang labindalawang taon sa industriya, ang singer ay nakilala na bilang isa sa mga premyadang Pinay diva sa bansa na nagbigay-buhay sa mga patok na OPM hits kabilang na ang "Akin Ka Na Lang" at ang kamakailang viral hit na "Gusto Ko Nang Bumitaw."

Sa unang autobiographical EP ni Morissette na “Signature” noong 2021, ang mister ang naghikayat kay Morissette na pasukin na rin ang mundo ng songwriting.

Basahin: Tutol sa fiancé? Kantang ‘Love You Still’ ni Morissette, alay sa nakaalitang pamilya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang Enero ngayong taon lang ibinunyag ng celebrity couple ang kanilang kasal matapos ikubli ito sa publiko sa loob ng ilang buwan.