Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Kapuso actor Ruru Madrid, isa ang kaniyang girlfriend na si Bianca Umali sa mga bumati sa espesyal na okasyon.

Tatlong random Instagram reels ang ibinahagi ng aktres bilang pagkilala sa malalim na bahagi ng Kapuso actor sa kaniyang buhay.

“Happy Birthday to the best thing that has ever happened to me,” short bt sweet na saad ni Bianca.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pagtugon ni Ruru, “You know you mean the world to me🥹♥️.”

Matatandaan ngayong taon lang isinawalat ng dalawa sa publiko ang kanilang mahigit apat na taong relasyon.

Pag-amin din ni Ruru, una rin nilang itinago ang kanilang relasyon para sa kapakanan ng kanilang mga love teams noon.

Basahin: Bianca Umali, umanib sa ‘Iglesia ni Cristo’ kasunod ng relasyon nila ni Ruru Madrid – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, sigurado na ang aktor na si Bianca ang kaniyang “the one.”

“I mean simula nong time na umabot ako sa point na pwede na akong magkaroon ng relationship, ngayon lang ako nakakita ng tao na parang susuporta ako nang sobra…at willing siya mag-take ng risk para maipakita niya lang sa akin kung gaano ako kaimportante sa kaniya,” saad ni Ruru sa kaniyang panayam kay Toni Gonzaga noong Setyembre.

“Ang sarap sa pakiramdam na parang lahat ng gusto ko sa isang babae, nasa kaniya na,” dagdag ng “Lolong” actor.

Samantala, bumuhos naman ang pagbati sa aktor sa parehong IG post ni Bianca.

Kabilang sa mga nagpaabot ng well wishes kay Ruru sina Mark Herras, Rayver Cruz, Isabel Oli, Mikee Quintos, Max Collins, Jelai Andres, Ashley Ortega, Tim Yap, Ana Feleo, bukod sa iba pa.

Nagdiwang ng kaniyang ika-25 kaarawan nitong Linggo, Nob. 4 si Ruru.