Vavavoom! Ibinalandra muli ng aktres na si Barbie Imperial ang kaniyang sexy at fit na pangangatawan suot ang two-piece bikini, Lunes.

Demure sa isang larawan habang all-smile sa isa pa ang young actress habang nasa pool ng isang resort sa Tanauan, Batangas.

“Magandang araw,” sey niya sa kaniyang caption kalakip ang dalawang emojis.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

As usual, agad na inulan ng puso at nag-init sa ilang fire emojis ang comment section ng aktres na pawang inspiration at admiration ang malinaw na mensahe para kay Barbie.

“Bugsh pasabog ka naman mi! 🔥” komento ng isang fan.

“Naguumapoy🔥🔥🔥”

“Apaka gandaaa lang talaga 😍😍”

“Mas maganda ka pa sa araw dzai!”

“Nagpapaganda nang araw🔥”

“So beautiful and sexy😍😍😍!”

Tumabo na agad sa mahigit 24,000 likes ang naturang IG post makalipas lang ang halos isang oras.