Isang bukas na liham ni Paolo Benjamin Guico ng bandang Ben&Ben ang ibinahagi niya para sa isang fan na nakararanas ng walang-habas na pambu-bully mula mismo sa malalapit na kaibigan, dahil sa kaniyang katawan.

Kasunod ng isang mensahe sa Discord, tinugunan ng singer-songwriter ang isang Liwanag, tawag sa kanilang fans, na nakararanas ng pamba-body shame, hindi mula sa ibang tao, kundi maging sa sariling mga kaibigan pa mismo.

“As someone who has experienced this most of my life, mas masakit talaga ‘pag mas malapit sa’yo ‘yung nakakasakit sa’yo,” pakikisimpatya ni Paolo sa sender, Sabado.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sunod na pinaalalahanan ng singer ang wala pa ring makapapantay na pagmamahal sa sarili.

“Slowly but surely (at alam kong mahirap ‘to), I hope we realize na ang pagmamahal natin sa sarili, ‘di pala kailangan nakabase sa sinasabi ng ibang tao,” dagdag niya.

Noong Marso, ito rin ang malinaw na mensahe ni Paolo kasunod ng kaniyang nakaka-inspire na body transformation.

Basahin: Paolo ng ‘Ben & Ben’ sa kaniyang ‘sakalam’ na pagpayat: ‘Do it out of love for yourself’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“As you are right now, you’re worthy of being loved.”

Anang singer pa, sunod na mangyayari ang self-improvement matapos mapag-aralan mahalin ng isang tao ang kaniyang sarili, hindi para maging pasok sa pamantayan ng lipunan ngunit para maging biyaya para sa ibang tao.

“I know it can be hard to see that when you’re really down and your self-esteem is at rock bottom. But I hope you realize there is wonder within you, right now,” ani Paolo.

“Rooting for you, Liwanag!” pagtatapos niya.

Agad na umani ng libu-libong likes, heart at care reacts ang naturang social media post ng singer.

Nagpasalamat din ang fans kay Paolo sa muli nitong pagpapaalala sa kanilang natatanging mga liwanag.